Dear Kabayan

“Kabayan!” Yan ang madalas na tawagan ng mga Pinoy dito sa Dubai/UAE, lalo na yung di mo kakilala pero sigurado kang pinoy ang kaharap mo.

Minsan nakiki kabayan din ang ibang lahi, madalas mga Indiano. Kasi nga yun ang lagi nilang naririnig kahit di naman nila talagang alam kung ano ibig sabihin.

Minsan natawag na rin akong: “ Mare, Please look at the camera.” ng isang arabo habang kinikuhaan ng picture para sa Emirates ID. At madalas “ate pasaload” ng mga Indianong nag sa side line ng pagpa pasa ng load sa ibaba ng building namin.

Narito ang aking “open letter” para sa ating mga kabayan.

Dear Kabayan,
 
Naiintindihan ko na mainit talaga dito sa Dubai, nasa disyerto tayo di ba? Pero sana wag mo ring kalimutan na nasa muslim country tayo, wag namang masyadong maigsi ang shorts mo na halos lumuwa na ang mata ng mga pakistani kapag nakikita ka. Igalang natin ang custom at batas ng bansa kung san tayo pansamantalang nakatira.
 
Oo, masarap makipag kwentuhan lalo na pag katapos ng trabaho, bawas stress ba. Pero kung nasa bus ka, medyo paki hinaan ang volume, hindi lang ikaw ang nakaka intindi ng tagalog. Buti na nga lang at hindi naiintindihan ng lahat ang mga maseselan mong kwento. Kulang na lang ngumiwi ako nung narinig ko kung anong sinasabi mo tungkol sa boss mo.
 
Malayo tayo sa ating mga kamag anak, asawa/boyfriend/girlfriend etc at hindi nila nakikita ang mga ginagawa natin pero di ibig sabihin eh pwede na nating gawin kung ano man ang gusto natin. Ika nga ni Eva Eugenio “TUKSO LAYUAN MO AKO” . Di ko talaga ma gets na may iba kang asawa o girlfriend sa Pinas tapos meron ka ring asawa o girlfriend dito.
 
Kabayan, kung meron kang boyfriend na ibang lahi, lalo na kung puti, ibagay mo ang porma mo sa kasama mo. Huwag mong intayin na mapagkamalan kang bayarang babae, o kaya naman ay tanungin ka ng “miss anong lahi yang amo mo?”
 
Kabayan, hindi maganda sa kalusugan kung laging hotdog na sale sa supermarket ang ulam mo. Oo nga at makaka tipid ka at may pandagdag sa ipapadala mo sa Pinas kasi ano ba naman yung 10 dirham na ulam sa isang linggo, pero pano kung magkasakit ka? Alagaan mong mabuti ang sarili mo kasi malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay na magbabantay sana sa tin pag nagkasakit tayo.
 
Kabayan, alam kong magastos kung lagi kang lalabas. Pero bigyan mo paminsan minsan ng treat ang sarili mo. Kaya nga tayo nagta trabaho di ba? Kahit pasyal lang sa mall, o labas ka lang pag off mo. Oo nga at isang araw lang ang off mo at masarap matulog hanggang tanghali pero nakaka bawas ng stress yung mag libang. Ayon sa narinig ko, araw araw may “5 distressed ofw” galing sa middle east ang umuuwi na may psychological trauma. Huwag mo nang gawing 6.
 
Sa kabilang banda kabayan, hinay hinay tayo sa gastos.  Ang ganda nga naman ng Lacoste, IPhone, Louis Vouitton etc. pero kung sumasakit naman ang ulo mo pag natatanggap mo na ang bills ng credit cards mo bale wala rin. Wag mong kalimutan na di tulad sa Pinas, kinukulong nila dito ang mga hindi nakakabayad ng utang. (marami na sila)
 
At pang huli kabayan, sino ba naman ako na nagse sermon sa iyo? Hindi ko alam ang puno at dulo ng mga kwento ninyo sa buhay at lalong wala akong karapatang makialam. Ituring mo na isa itong paalala. Tutal sino sino ba naman ang magmamalasakit sa atin kung di yung kapwa natin KABAYAN.
 
 

24 Comments (+add yours?)

  1. OFW Guide
    Oct 18, 2011 @ 12:06:07

    salamat sa makabuluhang blog posts. dapat lang na magtulungan ang mga pilipino na nagtarabaho sa ibang bansa.

    Reply

  2. Trackback: » Dear Kabayan: Open Letter for OFWs in Dubai OFW Abroad
  3. purple_angel
    Oct 26, 2011 @ 20:48:15

    Well said kabayan! Dapat talaga paminsan-minsan nareremind ang iba nating mga kababayan. At para sa iba naman, nawa makapagmuni-muni sila.

    I’m very concerned dun sa iba na matigas ang ulo. Walang paki-alam sa kultura ng bansang nagbibigay sa kanila ng empleyo. Dapat pag-aralan nila ang kultura ng bansa kung nasaan sila bilang respeto sa mga taga-roon at bilang respeto na rin sa sarili nila at sa sariling bayan nila.

    Reply

  4. dandansoy
    Nov 16, 2011 @ 20:50:20

    Kabayan, saludo ako sa pagkakasulat mo, medyo tinamaan din ako sa ibang sinabi mo pero napakaganda ang style ng panulat mo kung ako ang tatanungin.

    Ang dagdag ko lang sana nagtutulungan ang mga Kabayan, hindi sana nila paabutin sa Dubai o kahit saan pa man ang ugaliing maiinggit at gawin ang mga bagay na ikasasama ng kabayan nila lalo na kung ito ay tungkol sa position sa departamento. Sana hindi nila ikagalit kung isang Kabayan ang namumuno sa kanila at imbis na siya ay pagplanuhan na patalsikin, dapat ay magtulong tulong pa dahil sa siya din ang maaaring maging daan sa pagkilala ng ibang lahi sa ating PAGKAKAISA at pagunlad ng ating mga kapwa kabayan.

    May mga Kabayan na kailangan ang malaking sweldo pero wala namang respeto sa trabaho. Sa Dubai ko nakita ang Kabayan na daig pa ang mga amo sa pagpasok ng late araw araw at pag absent para manood ng pay-per-view sa tuwing may laban si _______.

    Ang tunay na nangangailangan ng pera ay nagsusumikap at hindi lang naghihintay ng salary increase sa trabahong hindi naman minamahal.

    4 na letra lang ito at ang simula ng pagbabago sa buhay ng Kabayan : IKAW.

    Salamat pong marami.

    Reply

    • Jack Valerio
      Nov 19, 2011 @ 17:27:56

      Ito ang tama, dahil ito ang nangyayari dito sa Dubai. Ang nakakapagtaka, ang college graduate ang madalas nailalaglag ng mga high school graduates. Di ba natin matanggap na aangat ang isang Pilipino at siyang hahawak ng responsibiladad para sa atin? Ang sabi nga ng ibang Pilipino, kapwa mo Pilipino ang magtutumba sa iyo, dahil ang Pilipino ang pinaka-masamang lahi sa buog mundo. Habang nagkakagatan tayo, tuwang-tuwa naman ang ibang lahi lalo na ang mga injano at pakistano (mas pa kung sila ang employer natin). Me pag-asa pa ba ang bansa natin? Nakikita ng taga-ibang bansa ang pag-aaway at pagyayabangan ng bawa’t isa sa atin. Sino ba ang nagdurusa? Di ba ang bayan nating lahat?

      Reply

  5. anna
    Nov 21, 2011 @ 16:21:41

    tama nid nating igalang ang kultura nila,kz ung iba na kbbyan natin alang pakialam.

    Reply

  6. bantay salakay
    Nov 21, 2011 @ 17:21:14

    ayos ahh,galing mo kabayan…naway mabasa ito ng marami nating kababakyan…… MABUHAY KA……. GOD BLESS… SALAMAT SAU……

    Reply

  7. robert of RTA
    Nov 24, 2011 @ 11:43:37

    correct ka dyan kabayan,,,, nakakagulat ang mga pinay dito sa dubai,,,,,,, kala mo mga nakawala sa kural……. sana magbago na tayong lahat dito, mapababae man o mapa lalaki………. ibangon natin ang dignidad ng bawat pilipino…….

    Reply

  8. BHIEBS
    Nov 25, 2011 @ 01:23:39

    tama karobert!sang ayon ako sa concept mo………

    Reply

  9. joan more
    Nov 25, 2011 @ 05:57:39

    hahahaha….sister…sapul na sapul ako sa mga sinulat mo hahahahaha……nakakatuwa ka….am back in the phil but going back to dubai next year…..i love dubai!!!

    Reply

  10. jwara
    Nov 26, 2011 @ 03:45:34

    well said kabayan!sana marami pang mkabasa ng sinulat mo na to para marami ding tamaan….more power to all of us….

    Reply

  11. ronnel
    Nov 28, 2011 @ 05:08:32

    Tama ka nga kabayan ang lahat ng sinabi mo kasi sa tagal ko nga dito nakita ko lahat ng mga sinabi mo. Yung nga lang ang isa sa nakakalungkot dito sa dubai ay maraming mga kababayan natin na babae ang napapariwara, nakikipagrelasyon sa mga ibang lahi. Ang iba sa kanila mabubuntis uuwi ng pinas.Ang iba naman relasyong pang dubai lang sa totoo lang nakakaawa ang marami sa ating mga kakabayan dahil sa dubai ang mga pinay ang gustong gusto ng ibang mga lahi kasi madilng maligawan. sa ration nga ng mga natanong ko marami sa kanila ang nagsasabi na sa 10 pinay daw nasa 7 ang may karelasyon na ibang lahi karaniwan mga indiano,ehipto,pakistano at iba ng arabo. hindi ba nakakalungkot isipin na umalis silang may BF/asawa sa pinas tapos may karelasyong iba.

    Reply

  12. ren santos
    Nov 28, 2011 @ 05:16:42

    Totoo ka nga kabayan marami nga sa ating mga kababayan na babae sa dubai ang nawalan na ng dangal dahil sa marami sa kanila ang may karelasyon na ibang lahi. To think na alam naman natin na hindi sila tutuluyan ng mga ibang lahi kundi gagamitin lang sila nakakalungkot diba? Matagal na ako dito halos lahat yata naobserbahan ko na.

    Reply

  13. bhenmedenilla
    Nov 29, 2011 @ 10:47:00

    uo nga kabayan lahat ng sinabi ninyo ay tama dapat talaga gawin ng filipino ay ang pagbabago at disiplina sa sarili.at naniniwala ako ang filipino ay makukuha mo sa magandang usapan,,ang ibig kung sabihin ay ang lahat ng filipino ay may katangiang kabaitan at matulungin,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,, im proud to be a filipino

    Reply

  14. denn
    Jan 17, 2012 @ 05:58:13

    Totoo lahat ng sinabi mo kabayan magandang aral din yan sa iba na hindi pa alam ang kalakaran sa dubai… dpat igalang ang kultura ng muslim …..marami pa sana ang makabasa ng article mo na ito malaking tulong …

    Reply

  15. Edwin Sierte
    Mar 09, 2012 @ 19:43:24

    Very well said…..:)

    Reply

  16. rhemy
    Mar 13, 2012 @ 16:55:40

    thanks for the nice message para sa mga ofw dpat lang taung magkaisa pero may ibang pinoy kahit sang sulok ng bansa sila din ang nagtuturo ng hindi maganda sa kapwa nila.

    Reply

  17. alinette
    Apr 30, 2012 @ 03:31:41

    i like this, kabayan!

    Reply

  18. almeranca
    Feb 18, 2013 @ 21:59:25

    “They cannot take away our self-respect if we do not give it to them”
    mahatma gandhi

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: